I Will Always Love Him

“Aminin mo na… Please, para matapos na ‘to.” Umiiyak akohabang sinasabi ko to sa kanya.

“Ano bang sinasabi mo! Alam mo bang dapat nakaalis na ko by this time?” napailing si Dave. “Hindi ko alam sa’yo Vivian kung bakit naniniwala ka diyan sa kaibigan mong bad influence.”

“Nabasa ko ang mga text mo sa kanya. And there’s no reason for her to lie. Kilala ko na siya noon pa.”

Tumawa siya ng malakas. “Kilala mo? If kaibigan mo siya, hindi siya lalapit sa kin. She seduced me. Pero dahil mahal kita, wala akong ginawa. Hindi ko siya ginamit gaya ng sinasabi mo.”

“The hell with this guy. Alam ko na ang totoo. Why don’t you just admit it?” sigaw ng isip ko. Ayokong umiyak pero patuloy lang ang pagdaloy ng luha ko. The truth na may nangyari sa kaibigan ko at sa asawa ko ay hindi kapani-paniwala. Pero wala naman dahilan para magsinungaling sa kin si Angelica. Sinabi sa kin ni Angelica na ginawa niya yun dahil gusto niya malaman kung mapagkakatiwalaan niya si Dave. At she found out that kung nagagawa niyang mangbabae habang nasa Manila ito, why not kung nasa Cebu pa siya?

“Ang mali doon ay pumunta siya. Syempre, lalaki ako di ba? Yun, dun nagstart ang problema.”

Sinubukan ko siyang hulihin sa mga sinasabi niya. “Oh, really? At anong problema?”

Tumaas ang tono niya. “Eto! Nag-aaway tayo dahil sa kanya. Kung di siya pumunta, wala sanang mangyayaring pagkakamali.”

“There, he said it.” Lalong umagos ang luha ko. “Pagkakamali? Ayan inamin mo rin indirectly from your own words.”

“Look, it’s not what I mean. Ang sinasabi kong pagkakamali ay etong pag-aaway natin. I will never do what she’s talking about.” Pero nilagay ko lang ang mga kamay ko sa king mga mukha para matakpan ang lungkot at sakit na aking nadarama.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mga balikat. “Viv, I love you. Hindi dapat tayo nagkakaganito. I love you. I’m sorry.”

“There, he said sorry na parang may ginawa nga siya. Denial king.” Hindi ko siya tiningnan. “I don’t know what to say Dave. Hindi ko alam kung sinoo ang dapat kong paniwalaan.”

Niyakap niya ko. “Viv, no matter what, Ilove you. I truly do. At wala akong gagawin na kahit ano para saktan ka.” Tinanggal niya ang mga kamay ko na nakatakip sa mukha ko. “Always remember, I love you.”

Hinawakan niya ang baba ko and he kissed me. I don’t want to reply with kiss but something is pushing me to hug him… kiss him just like the old times. Then, I spend the night with him.

Pag gising ko, umaga na. I looked at him. Maybe hindi pa ko ready na iwan siya but I don’t think that our relationship will still work. Nagbihis na ko at nag-ayos ng sarili. Aalis na sana ako, pero bigla niyang hinawakan ang braso ko habang binubuksan ko ang pinto.

“At san ka pupunta? Di ba sasama ka sa kin pag punta sa Cebu?”

“Hindi ako sasama sa’yo. Mas mahal ko ang pamilya ko kaysa sa’yo.”

Hinila niya ko pabalik sa may higaan. “Hindi ka aalis dahil sasama ka sa kin!”

“Ano ba, nasasaktan na ko!”

Pero parang wala siyang narinig. “Napag-usapan na natin ito noon pa. Sasama ka na sa akin.”

Hindi na ko nakapagtimpi pa. “And what? Be your battered wife? And be your sex slave? Bullshit!” Tinaggal ko ang kamay niya sa braso ko.

“Hindi naman kita sinasaktan, Viv. I’m sorry.” Lalapitan niya ko but I slowly stepped back.

“Don’t be sorry, coz you already hurt me.”

Bigla siyang lumapit ng mabilis at kinuha ang phone na bago niyang bili sa kin. “Fine. But I have your phone. “

Itinulak ko siya sa bot ng aking makakaya. “Damn you! Sige, sayong-sayo na yan.” Tumakbo ako papunta ng pinto at lumabas. Pinahid ko ang mga luhang tumutulo mula sa king mga mata. “You’re insane, Dave. Ano ba nakita ko sa’yo at bakit kita minahal ng ganito?”

Inalala ko ang mga masasayang pagsasama namin. Maybe he’s 40 years old but I fell in love with him. Napakabait niya sa kin. Nung nagwowork pa ko sa isang fastfood chain before, he used to bring me some flowers as a delivery guy. Kinikilig naman ako. Tapos pag birthday ko, he always makes it special in his own ways. Noong mga panahong magkalive-in pa kami, I enjoyed every second na magkasama kami. Breakfast in bed, hot water pag maliligo ako, at pasalubong tuwing uuwi siya.

Bigla na lang ako nagising mula sa pag-alaala ng mga pangyayaring iyon nang makarating na ko sa pinto na malapit sa receptionist. “Aalis na po ako.” At lumakad pa punta sa elevator.

“Mam, sandali lang po. Anong room po?”

“614. Alam na ng nakacheck-in doon na aalis na ko.” Pinindot ko ang down button.

“Mam, tatawagan lang po namin yung nasa room.”

“Nagmamadali na ako.” Feeling ko iiyak na ko pag nagtagal pa ko dun sa lugar na iyon.

“I’m sorry, mam. Standard procedure lang po.”

“Ok. Bahala kayo.” Tiningnan ko lang ang receptionist. Gusto kong umalis pero hindi ko magawa. Nakaharang kasi ang guard sa may elevator.

“Mam, hindi pa kayo pwedeng umalis. Pinababalik po kayo sa room.”

Dito na ko nagpanic. Natatakot na ko bumalik sa kwartong iyon. Baka hindi niya na ko pauwiin. “Please, wag nyo ko hayaan na bumalik doon mag-isa.” Ipinakita ko yung nakabakat na kamay sa braso ko. “I don’t want to go back there.”

Kinalma ako ng guard. “Mam, kami naman po ang mapapahamak pag nagkataon. Pwede kaming ireklamo. Kung gusto nyo, sasamahan naming kayo. Kung anuman ang mangyari, tutulungan na lang namin kayo.”

“Alright. Since andyan naman kayo, payag na ko.” Pumayag ako kahit kinakabahan pa rin ako.

Tok! Tok! Tok! Naghanda na ko sa pagbukas ng pinto.

“Viv, buti bumalik… Teka, bakit nagsama ka ng staff at security guards?”

“Para hindi mo ko saktan ulit at pilitin sa gusto mo.” Kumunot lang ang noo niya pero nagulat ako sa sinabi niya.

“Viv naman, inabala mo pa tong mga taong ito. Halika sa loob. Pinabalik kita kasi dumating na yung breakfast. Halika na sa loob. Sorry sa abalang ginawa ng asawa ko. Makakaalis na kayo.”

“The nerve. Ang talino talaga! Nagawa niya pang baliktarin ang lahat. Certified liar. But I won’t let him win this time.” Pinigilan ko sina Manong gurad sa pag-alis. “No, wag kayong umalis. Papasok ako sa loob pero hindi kayo aalis. Or else, sasama na ko sa inyo palabas.”

“Sir. Hindi kami aalis dito.”

“Ok, ok. Alam ko na ginagawa nyo lang ang trabaho nyo. Halika ka na Viv.” Napilitan akong pumasok sa loob. Nang makapasok kami sa kwarto,hinila niya ko papasok ng cr.

“What are you thinking? Ano ba tong gulo na ginawa mo?”

“Kaw ang naunang gumawa ng gulo Dave, hindi ako. At hindi mo ko mapapayag sa gusto mo. Uuwi ako pag gusto ko!”

Bumuntung-hininga si Dave. “Sige, makakaalis ka na. Pero tandaan mo ‘to Viv, it won’t be the last time.”

Dali-dali akong umalis. Sumunod lang siya sa akin. “Salamat sa pag-aassist sa asawa ko. At pasensya na sa abala. Ingat ka, hon.”

After that day, I tried not to communicate with him. Kinausap ko din si Angelica. Masakit ang ginawa niya pero I still want to accept her. After all, she’s my friend. Pinahiram niya ko ng phone pra magamit ko. And I texted him na I can move on. Lumipas ang maraming araw at lingo, panay ang text sa kin ni Dave. Panay ang sorry niya. Dahilan niya, mainit daw ang ulo niya, pinaasa ko raw siya na sasama ako, na kasalanan ko ang lahat. Hindiko alam kung bakit hindi ko siya makalimutan. Kung bakit till now, mahal ko pa rin siya. I really missed him. Pero sa tuwing naaalala ko ang mga nabasa kong text niya kay Angelica,  naiinis lang ako. Pinagmukha nila akong tanga.

Isang araw, he texted me na nasa Manila siya.Pag hindi raw ako pumunta, siya ang pupunta sa amin. Nainis lalo ako.  Baka may totoohin nga niya na pupunta siya sa min. Sabagay, pwede ko pa makuha yung cellphone pag nakipag-ayos ako. And sa totoo lang, miss na miss ko siya. And dahil tanga ako, nakipagkita pa rin ako sa kanya. At naging madalas ang pagkikita namin habang nasa Manila pa siya.

Pero hindi pa nagtatapos dun ang lahat. Hindi alam ng mga kaibigan ko na talagang legal kami mag-asawa. Hindi rin alam ni Angelica na nakikipagkita pa ko sa kanya kahit sinabi kong ayaw ko na. I made her promise na hindi niya na itetext si Dave. Patuloy lang nakakagawa ng kung anu-anong kwento si Dave tungkol sa amin. Sayang ang talino nya. Pero ginagamit niya sa pagawa ng kung anu-anong kasinungalingan. But I still love him. And I will always do.

I tried to move on. Minsan, nagikikita kami ng isa sa kaibigan ko, si Cedric. He was nice. I know he loved me since high school. But I never gave him a chance before. Ngayon lang. However, he doesn’t know na mag-asawa talaga kami ni Dave. He helps with a lot of things gaya ng pag-aaplay ko ng work. Kilala rin siya ng pamilya ko. Parang mas gusto nga nila si Cedric para sa kin dahil kilala na nila sa Dave na bastos at walang respeto.

Wala naman akong nakikitang problema kay Cedric. I want to love him more than a friend, pero I can’t. I tried to be happy with him kaso si Dave lagi ang laman ng isip ko. Cedric knows Dave dahil nalaman niya ito kay Angelica. Pero hindi alam ng mga kaibigan ko na nagkikita pa talaga kami ni Dave. My family doesn’t even know it too. At madalas, nagagamit ko ang mga pangalan ng kaibigan ko para ipangfront kapag makikipagkita ako kay Dave.

One day, pumunta ako sa Manila para mag-exam sa trabahong inaplayan ko. Of course, may karapatan pa rin si Dave na malaman ang galaw ko dahil asawa ko siya. So I told him kung nasan ako, not knowing kung nasan siya. Then I texted Cedric na sunduin ako after ng exam by 4PM. Nang matapos ako sa exam, nareceive ko ang text ni Dave. Nasa labas siya at nag-aantay sa kin. Oh, great! Pano to? Nasa Manila pala si Dave. Dali-dali kong tinext si Cedric na wag na pumunta at gumawa ako ng dahilan para din a sya pumunta. Nang lumabas ako, isinilent ko na ang phone ko. Baka mabasa pa ni Dave ang mga message ko pag nakita niyang ginagamit ko ang phone ko.

Then, we went to usual place – sa Hotel. Then we talked then do usual thing na ginagawa namin.  But I really don’t know kung ano na ang nagyari kay Cedric. Nang pumasok si Dave sa banyo para magshower, dali-dali ko inempty ang inbox ko nag hindi ko nababasa ang mga message. Medyo may pagka-pakialamero kasi tong si Dave. Baka basahin niya ang mga message ko. Then nakatulog ako.

Kinabukasan, I just found out that na naghintay pa rin si Cedric sa kin for 5 hours. Na pinakelaman ni Dave ang cellphone ko while I’m asleep at sinagot niya ang tawag from him.

Shit! Ano na ba ang gagawin ko? Humingi ako ng sorry kay Cedric through text pero sa bawat tanong niya, I just kept on lying. Dahil alam ko na lalo siyang masasaktan pag nalaman niya ang totoo. But I was wrong.

Alam pala ni Cedric ang lahat. Everything and I don’t know why. Nagpalamig muna ako. Then, I received a call from him. Hindi ko na sinagot ang mga tawag niya at text dahil hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. But he called, to my nephew’s number. Napilitan akong sagutin ito at nalaman ko na tinetext pala ni Dave ng mga rude words ang mga kaibigan ko.  Wala ako naisagot kay Cedric pero dahil sa inis ko, iba ang nasabi ko. “Bakit kailangan mo pang iconfirm? Alam mo na di ba?” pagkasabi nito’y inend call ko na. Saka lang ako natauhan. I didn’t meant what I said. Ganumpaman, hindi ko na yon mababawi.

Tinext ko ang lahat ng kaibigan ko at nagsorry ako sa kanila. Sana mapatawad nila ako yet I’m not expecting it. Lalo na kay cedric na bukod-tanging hindi ko tinext. Nalulungkot ako dahil nasisira ang friendship namin dahil kay Dave. So I argued with Dave through text. Then, siya pa ang nagalit.

Akala ko, kaya kong itago ang lahat. Lalo na ang sakit na nararamdaman ko. Why do I love somebody like him? And nadamay pa ang mga kaibigan ko. I thought maayos pa ang problema sa mga kaibigan ko but I was wrong, not with Cedric or any other friends – but with Angelica. Nagkakatext pa pala sila ni Dave. Di ko na napigilan ang sarili ko. Umasa ako na hindi na hindi na siya makekelam at mapapatawad ko siya pero nagkamali ako. Kung anu-ano ang naitext ko sa kanya. Pati kay Dave. Hindi ko pala talaga kayang kalimutan ang lahat. Dahil naaalala ko kung pano nila akong ginawang tanga. So I decided na layuan na sila. Although I’m not sure kung kaya ko.

I love Dave. And I will always do. Nagawa kong talikuran ang pamilya ko dati dahil sa kanya. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya, minahal ko pa rin siya. Pero bakit kailangangpaulit-ulit akong saktan ng mga taong malalapit sa akin. Ano ba ang nagawa ko para ganituhin nila ako? Masama bang magmahal ng lubusan at magpakatanga? Na ibigay ko ang lahat-lahat para sa lalaking mahal ko? Lahat – maging ang kaluluwa ko. Maaring tanga nga ako, bulag at martir pero isa lang ang dahilan ng lahat ng ito – dahil minahal ko siya ng higit pa sa sarili ko.

Sana nagustuhan nyo ang ginawa ko. Ano po ang masasabi nyo about this story? Comment na po.

If you want to know who is the guy that I’m referring, pakiemail na lang ako: nafloresca@yahoo.com. Thanks.  🙂

 ____________________________________________________________

By the way, I decided to make a continuation of this story dahil na rin sa advice ng kakilala ko. Sana basahin nyo rin po. 

 

Advertisements
Published in: on July 23, 2012 at 6:52 am  Comments (2)  
Tags: , , , , , , , , ,

Give and Take

               “Happy monthsary, sweetheart!” bati ni Philip kay Rose.

               Niyakap niya ang lalaki sabay bati ng “Happy monthsary din sweetheart! I love you.” At dinampian ni Rose ng halik ang labi ng boyfriend niya.

               The couple is celebrating their 13th monthsary. Si Philip — hindi kagwapuhan or athletic ang pangangatawan, walang educational title, at hindi rin mayaman. Yet, minahal siya ni Rose, kahit isa siyang tricycle driver. Panganay sa limang magkakapatid si Rose kaya nang niyaya na siya ng nobyo na magpakasal, isang malaking HINDI ang sinagot nito. Isa pa’y gusto niya munang makatapos ng pag-aaral sa college. Ayaw din niyang basta mag-asawa dahil sobrang hirap na ng buhay ngayon.

               Masipag naman si Philip. Nagseservice siya at namamasada naman pag free time. Dati kasi ay taga-ihaw pa siya sa pinagseservisan niya pero sabi nga, walang permanenteng bagay sa mundo – kahit ang trabaho niya.Pero di siya nawalan ng pag-asa at patuloy na nagsusumikap para kay Rose.

               Isa ito sa mga katangiang minahal ni Rose. Bukod pa rito’y mabait, maasikaso at sweet pa si Philip. Madalas nga nitong subuan si Rose lalo kung busy ito sa paggamit ng computer. Malapit pa ang lalaki sa mga nakakabatang kapatid niya. Madalang nitong dinadalhan ng pasalubong ang mga bata. Nagawa din nitong makuha ang loob ng mga magulang dahil na rin sa sarili nitong diskarte.

               During their relationship, masaya si Rose pag kasama nito si Philip. Minsan natutulog siya sa bahay nito. At minsan naman ay natutulog din ito sa bahay nila. Every monthsary, hindi nakakalimot si Rose na bigyan ng regalo ang nobyo kahit minsan ay nashoshort siya. Hindi naman niiya kasi ginagawa yun sa mga dating nobyo niya – kundi kay Philip lang. For richer or poorer, she stayed by his side. Kahit naninigarilyo ang lalaki, or masyadong protective, still she love him for who he is.

               Kapag hinahatid o sinunsundo siya ni Philip, madalas siyang nakayakap o nakahilg sa likod nito. Ganumpaman, minsan natatakot siya pag nagdadrive ito. May pagkakataon kasi na parang mapapaaway ito kung hindi niya ito napipigilan (alam nyo naman, girian sa daan). Mabilis din ito magpatakbo ng tricycle at naninigarilyo pa. Dahil ditto, pinagsabihan niya ang nobyo. At dahil mahal siya ni Philip, inayos nito yung mga nakikita niyang mali.

               Pero, hindi sa lahat ng oras maganda ang relasyon ng dalawang tao – kahit mahal na mahal nyo pa ang isa’t isa. Pagising isang araw ni Rose, tila ba nag-iba ang lahat about sa kanila ni Philip. May mga times na naiirita siya sa mga text nito. Bakit??? Panay kasi ang tanong nito lately pag nagtetext. Actually, walang masama if nagtatanong ang boyfriend mo kung “musta n swtheart”, “Kumain k n b?”, o “ano n gwa mo, swtheart?” pero … kung 3 times naman itetext ang tatlong tanong na ito, hindi ka ba maiinis? Isa pa sa kinaiinisan niya ay kailangan niya ipagpaalam ang mga ginagawa o pinupuntahan niya dahil magatatanong pa ito ng “bkt di mo sinabi?” followed by “cno ang ksama mo?” then “sunduin b kta? Wt time ang uwi mo?”. Kahit ayaw niya pasundo, papasundo siya dahil ang itetext naman nito sa kanya ay either “bkt?m may iba n b susundo sau?” or mas magandang sagot na “ingat ka swtheart” pero may kasamang “txt mo ko pag-uwi mo, ha?” Pag ganito ang nababasa niyang text, minsan “Hay”, “Ok po”, o “Ah, ganun po b” ang nirereply niya tapos lahat ng sagot niya sa mga tanong nito ay may kasama ng “po”.

               Pag hindi naman siya nakapagtext magtetext na naman ito ng another question “Glit ka b?” o “bc k b?”, “Wt ba gwa mo” o “nasan k ngayon?” Or else,magsesend si Philip ng sandamakmak na “swtheart?” 

               There are times naman na magsasabi ito ng katagang “pasensya na sweetheart, di man lang kita maipasyalsa labas”, “Hindi naman ako gwapo. Saka isa lamang akong hamak na tricycle driver”, at “Tingin ko napakamiserable ko na dahil sobra akong minamalas. Ikaw na lang ang natitira sa kin. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka.” Sa mga ganitong pagkakataon, pinipilit niyang icheerup ang nobyo kahit inis siya sa sinasabi nito. Minsan hindi niya malaman kung bibitaw na rin siya dahil di niya malaman ang gagawin dito. But she still hold on. Kahit may mga sarili siyang problema, hindi niya ito sinasabi lalo kung tungkol sa pera. Lalo lang kasi ito malulungkot at idadown ang sarili pag nalaman nito ang problema niya.

               But one time, wala siyang mahingan ng tulong dahil taghirap din ang mga kaibigan niya. So, lumapit siya sa Ex bf niya. Humiram siya ng pera rito nang hindi nagsasabi kay Philip. Nang pauwi na siya, naginsists ito na ihatid siya sa sakayan at bitbitin ang bag niya. Ayaw niya nung una dahil baka mapadaan si Philip pero makulit ito. So hinayaan niya na lang ito. Isa pa, may utang na loob siya rito.

               Nakahinga siya ng maluwag ng wala siyang nakita ni anino ni Philip. Pero di niya inaasahan ang teawag na dumating sa kanya nang makauwi na siya.

               “Narereceive mo ba mga text ko sayo? Bakit di ka nagrereply? Nasan ka nagayon?” sunud-sunod na tanong ni Philip.

               “Dito ako sa bahay. Wait, nakasilent kasi yung phone ko. Check ko lang.”

               “Ok.” End call.

               “Naku, hindi ko nabasa yung mga message kanina. Kainis. Message inbox full nap ala kaya hindi natunog. Nagbura siya ng ilang messages.” Maya-maya, dumating na ang mga message na galling ka Philip:

               “Galing k b ng byan ngayon?” binasa niya ang sumunod na “Cnu ang kasama mo knina?”, “Bkt d ka nagrereply?”

               “Tsk, tsk, tsk, patay. No choice.Hay, bahala na” Nagtext back siya kay Philip. Sinabi niya na pumunta siya ng bayan siya kanina. “Nagkta lng kmi unexpectedly ng kaibigan ko. Small world po.”

               “Cnung friend? Npkabait naman ng friend mo n yan. Binitbit p ang bag mo. Tpos holding hands p.”

               Nabigla siya sa reply ni Philip.“Wat? Bkt ako makikipagholding hands sa guy ksi may bf ako. .. Bnitbit niya lang ang bag ko peo d kmi nagholding hands. Ni hnd nga sumayad ang kamay nia sa kmay q.”

               Nagpatuloy pa ang pagtetext nila. Hanggang sa nagdrama ang nobyo sa text. Ayaw niya sabihin kung bakit nagkita sila. Mahirap dahil ayaw niyang lalo bumaba at maliitin ni Philip ang sarili. Sa totoo lang, hindi naman talaga dapat siya mashoshort. Kung tutuusin kasi, kahit wala siyang trabaho sa ngayon, may ipon pa siya. Ang problema, wala yung ipon niya sa ATM o sa wallet – na kay Philip. Pinahiram niya ito ng pera para sa panghulog niya sa motor. Ayaw niyang basta na lang batakin ang bagong motor ng nobyo. Kaya kahit alam niya na kakailanganin niya ang pera pagdating ng panahon, sumugal pa rin siya. Hindi niya ito pinaalam sa mga magulang niya lalo na sa kanyang ina dahil baka magalit ito sa kanya at mainis sa nobyo niya.

               Naiintindihan niya ang side ng nobyo. Alam niyang makakabawi pa ito sa kung anuman ang problema nito. Pero di niya inasahan na ito pa ang pagmumulan ng di nila pagkakaunawaan. Lalo silang di nagkaintidndihan sa palitan nila ng text. “Suko na ko. Mabuti pa, magcool off muna tayo! Gud nyt..” Eto ang last text niya bago niya inoff ang cellphone. Pero pagsapit ng alas-12 ng gabi, dumating si Philip. Ayaw niya sana ito kausapin pero wala siyang magawa. Nakainom pala ito. Hay, ano pa nga ba ang hindi niya alam sa nobyo. May tendency itong magwala at upakan ang bubwisit makakasalubong niya.

               Nakinig siya sa lahat ng sinabi nito pero parang nawalan siya ng boses. Hindi niya alam ang isasagot o sasabihin kay Philip. Ang pinagtataka niya, hindi man lang siya naiiyak kahit nalulungkot siya. Matapos masabi ni Philip ang lahat ng gusto nito sabihin, pinigilan niya itong umalis at pinatulog na lamang sa kanila. Kahit antok na antok siya, hindi siya makatulog dahil sa nobyo.

               Ayaw niya sana patulugin ang nobyo sa kanila. Ganumpaman, takot siya sa maaaring gawin nito. Nang nakaraan buwan pa lang ay tila ba parang nanlalamig siya sa pakikitungo sa nobyo. Minsan, pinipilit niya na lang ngumiti para hindi mahalata ng nobyo. Hindi na rin siya masyadong pumupunta sa bahay ni Philip, at ganun din naman ito. Hindi ito makapunta sa kanila dahil ayaw niya. Naisip niya na pangit nga naman tingnan na natutulog ang lalaki sa bahay ng babae. Sa totoo lang, ayaw niya talaga noon pa na matulog ito pero hinahayaan niya lang dahil ayaw niyang magtampo ito. Pero, naisip niya na kung mahal talaga siya nito, dapat maintindihan nito ang side niya.

               Isa pa sa naiisip niya ay yung away nila dati. Matutulog siya dapat sa nobyo pero ginabi siya ng uwi dito. Niyaya kasi siya sa despedida ng kaibigan na di niya sinabi o ipnaalam kay Philip. Pagdating niya sa bahay ng nobyo, nakainom pala ito. Nag-usap sila pero humantong ito sa di inaasahang pangyayari. Nagwala si Philip at nagsisigaw. Naghahamon ng glo. Natakot siya nung mga oras na yun. Unstoppable ang nobyo niya kahit inawat niya n aito. Umiyak siya ng umiyak. Dinamayan siya ng nanay ng nobyo habang pinakakalma naman si Philip ng kuya nito.

               Nang maalala niya ito, saka niya naisip ang mga differences nila. She tried her best na panatilihin ang relasyon nila kahit napipilitan na lang siya. But if she’s going to this, hanggang kelan naman? Why prolong the agony? Bakit nga ba sila pa rin ng boyfriend niya? Dahil ba mahal niya ito, o dahil sa naaawa lang siya dito? Gusto niya makasiguro sa sagot sa tanong na ito. Inisip niyang mabuti. Lalo niya lang pinahihirapan ang nobyo kung makikipagplastikan lang siya dito. Alam niyang mahal na mahal siya nito pero siya ba, mahal niya ba talaga ito? Then that night, she made a decision.

               Nakalipas na ang tatlong lingo. Naging busy si Rose sa pagtatrabaho. Love life – zero. Satus – single. Three weeks na ang nakakaraan simula ng makipagbreak siya kay Philip. Kahit wala na sila, hindi niya pinutol ang komunikasyon nila. After all, she still cared for him. Natatakot siya sa maaaring gawin nito dahil hindi pa ito nakakamove on. However, naiinis pa rin siya sa mga text nito, kung dati tanong lang, ngayon may kasama ng drama. Minsan, inaalam pa rin nito ang mga ginagawa niya. Although binibigyan niya ng false hope ang nobyo, hindi niya alam kung ano ang maaaring gawin nito. Kung pagbabasehan niya ang drama at text nito, maypossibility ito na pumatay o magpakamatay. So it’s better this way. Magtiis at makisama, para na rin sa benefit ng iba.

 

               Tama nga ba ang ginagawa niya? Ano ba sa tingin nyo?

 

Published in: on July 22, 2012 at 7:56 am  Leave a Comment  
Tags: , , , , , ,

Ang Aking Knight in Cute Armor

   

   

 

 

 

 

                     Grabe ang pagod ko ngayong araw na ito. Pauwi na ko galing sa trabaho nang maisipan kong magpahangin muna sa plasa. Wala naman akong pasok bukas saka sandali lang naman eh. Umupo ako sa hagdan na malapit sa bantayog ni Rizal. Kakaunti na lang ang mga tao sa oras na ito. May nagtitinda ng balot, chicharon,lugaw at kung anu-ano pa. Mayroon din mga maliliit na grupo ng kabataan, pamilya at ilang magkasintahan. Hay… Kakainggit. Masarap sanang tumambay dito kung may kasama. Paano’y pangsecond shift ako, alas dos hanggang alas diyes.  Sino pa ba ang pwede kong yayain sa ganitong oras? Hindi pwede si Lea, baka tulog na yung bestfriend ko na yun.  Hindi rin naman pwede si James, baka may ginagawa pa yun. Pero hindi naman siguro masama kung magpapasundo ako. Ano kaya?

                     Itetext ko na sana siya nang may nakaagaw ng pansin ko sa hindi kalayuan. Isang babae at lalaki na kumakain ng burger sa isang bench. Tantsa ko’y magkasintahan sila. Nakaakbay kasi yung lalaki sa babae at nagsusubuan pa sila. Ang sweet naman! Pero, parang pamilyar sa akin ang mukha ng lalaki. Kamukha siya nung boyfriend ko.  Hmm… Hindi naman siguro. May tiwala naman ako sa kanya eh. Makauwi na nga lang, baka namimiss ko lang siya  kaya ganito.

                      Tumayo ako at naglakad papunta sa bilihan ng kwek-kwek na medyo malapit sa dalawa. Habang kumakain ako, napatitig ako sa mukha ng lalaki. Nabitawan ko ang hawak kong stick. Hindi ako maaaring magkamali. Si James! Pero bakit? Sinubukan kong palisin ang mga alinlangang namuo sa aking isipan. Mahal ako ni James. Hindi naman niya ako ipagpapalit sa iba dahil wala naman akong naging pagkukulang sa aming relasyon. Baka naman bestfriend niya lang yun. Or childhood friend at ganun na talaga ang turingan nila. Ngunit nagulat na lang ako ng halikan niya ang babae. Hindi ko na napigilan ang paglaglag ng luha mula sa aking mga mata.

                    “Miss, ok ka lang ba?” tanong ni manong na nagtitinda ng kwek-kwek. Hindi ako sumagot. Parang wala lang akong narinig. Hindi ko mailarawan ang sakit na nararamdaman ko. Sa dinami-dami ng lalaking pwedeng manakit sa akin, bakit siya pa? Pwede naman ang holdaper o kahit sinong kriminal, pero siya pa! And worst, super sakit.

                     Wala sa loob ko na lumapit sa dalawa. Napatigil sila sa pagtatawanan.

                     “Ninz …” hindi na niya natapos ang sasabihin dahil ubod lakas ko siyang sinampal. Nagulat ang babaeng kasama niya.

                     “Ang kapal ng mukha mo! Di ko inakalang magagawa mo sa kin to, James. Bakit? Saan ba ko nagkulang?” Pinunasan ko ang magkabilang pisngi ko bago muling magsalita. “Minahal kita James. Naglalaan naman ako ng time pero bakit? Sana, sinabi mo na lang na ayaw mo na sa akin kaysa naman sa ganito.”

                     Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. Sinubukan kong hanapin ang pagsisi mula roon ngunit bigo ako. Mukhang mas mahal niya ang babaeng kasama  kaysa sa akin. Bumuntong-hininga ako at inipon muna ang lahat ng lakas ng loob ko. “Mahal kita. Pero, mas gugustuhin kong tapusin na ang relasyon natin para maging malaya ka na kahit nasasaktan man ako. Sana maging masaya ka.” Tumalikod na ko at umalis habang umiiyak. Hindi ko na sila nilingon pa. Gusto ko ng umuwi at magpahinga.

                     Kinabukasan. Tanghali na ko nagising. Pumunta ako ng banyo at naghilamos. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. Namaga ang mata ko dahil sa kakaiyak kagabi. Pero napagisip-isip ko na hindi ko siya dapat iyakan. Isa lang naman ang ibig sabihin kung bakit nangyari ito – hindi kami ang para sa isa’t isa. Mabuti pa’y lumabas na lang ako. Makapaglakad-lakad. Nagsuot ako ng shades para hindi halata ang mga mugto kong mata.

                     Sa SM, tumingin-tingin muna ako sa mga shops. Wala akong nagustuhang bilhin kaya pumunta na lang ako sa KFC para kumain. Hay… Hindi pa rin mabura sa isip ko ang nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin pa ang sugat na ginawa niya. Kainis! Makapaglaro na nga lang sa arcade.

                     Papunta ako roon nang may tumawag sa akin. Wow, ang cute naman ng estrangherong ito – pwede na ang deskripsyon na white at handsome. Hindi nga lang pwede ang “tall” kasi di naman siya matangkad. Nakasuot siya ng isang itim na cap, light pink na necktie, asul na maong pants at ang itim na polo shirt nito na may nakasulat na I’m yours, Forever. Nasa loob siya ng isang stuff toy store. Hindi naman siguro masamang makipagkilala. Kaya pumasok ako at lumapit sa kanya.

                     “Hi!” ang ekspresyon na nakita ko sa mga mata niya.

                     “Hi!” ang sagot ko.

                     “Bakit ka malungkot, Miss? Gusto mo ba ng kaibigan? Available ako. Handa akong makinig sa anumang hinain mo. Gusto kong gumaan ang loob mo.”

                     Nice. Mukhang siya ang kelangan ko sa panahong ito. Hindi ko pa kayang sabihin kay Lea kung anong nangyari dahil busy ito. Hmm… I’ll give it a try. Maya-maya’y lumabas na kami sa store ng bago kong kakilala – si Prince. Pumunta kami sa isang tahimik na lugar. Dun sa park ng isang subdivision. Sinabi ko sa kanya kung anong nangyari sa akin. Kung bakit nga ba ako malungkot. Kung bakit ako nag-iisa.  Niyakap ko siya at umiyak. Kahit nakinig lamang siya at hinayaang umiyak ako sa kanyang balikat, parang gumaan na ang pakiramdam ko. Masaya ako dahil nakakilala ako ng isang bagong kaibigan.

                     Pag-uwi ko ng bahay, ipinakilala ko siya sa parents ko. Natuwa ang mga magulang ko. Ang cute naman daw ni Prince. Pagkakain ko ng hapunan, isinama ko siya sa aking kwarto. Inilibot ko siya sa aking roon at muling nakipagkwentuhan. Hindi ako makapaniwala. Parang nakarecover ako agad. First love ko si James. First boyfriend. First kiss. At ang malala, first heartbreak. Pero ok lang, andito naman ang pinaka-cute kong friend. Salamat kay Prince, ang aking knight in cute armor na siyang nagligtas sa akin mula sa mala-monster kong kalungkutan.

                     Kinabukasan, sinalubong ko ang umaga ng may ngiti sa aking mukha. “Good morning, Prince!” bati ko ngunit wala akong sagot na narinig. Tulog pa ang knight ko na katabi ko sa buong gabi. Sabagay, masyado pang maaga ang gising ko. First shift na kasi ako. Dapat ay makapunta na ko sa pick-up point bago mag- 4:30. Inayos ko ang aking higaan at kinumutan si Prince. Nagmamadali akong pumunta sa CR para  maligo. Binilisan ko rin ang pagbibihis, baka mahuli ako. Lumapit ako kay Prince at dinampian ko siya ng halik sa mukha. “Babalik ako mamaya Prince. Diyan ka lang, papasok na ko. Bye.”

                     Pagdating ko sa company, walang bakas ng break-up na nakita sa aking mukha. Ang ganda pati ng mood ko. I feel so inspired sa araw na ito.

                     “Uy, Ninz! Blooming ah,” sabi ni Joan, isa sa mga kasama ko sa linya.

                     “Ahm, thanks pero di mo naman ako kailangang bolahin. Wala pang sahod. Hindi pa kita maililibre ng cheese burger,” ang naisagot ko.

                     “Sus! Hindi bola yun. Totoo naman, eh. Kamusta na ba kayo ng jowa mo?”

                     “Break na kami nung Sabado lang.”

                     Nagulat ang kausap ko. “Talaga? Anong nangyari?”

                     “Mahabang kwento.”

                     “Ikwento mo naman sa akin. Teka, kung nagbreak kayo, bakit ka naman masaya?” curious na tanong niya.

                     “Secret. Mamaya na natin pag-usapan. Malapit na magbell.” At tinungo na namin ang harapan ng linya.

                     Pag-uwi ko sa bahay mula sa trabaho, nakita ko si Prince. Nakaupo sa aking higaan,nakangiti. “Welcome home. Napagod ka ba?”

                     “Hindi ako napagod Prince, kasi isang ngiti mo lang, tanggal na. Pati ang gutom ko.” Natawa na lang ako sa nasabi ko. Ang cheesy!!! Eww. Hindi naman ako mahilig sa ganung lines pero kinikilig naman ako kapag nasasabihan ng boyfriend ko ng ganun. Bad trip! Naalala ko na naman siya. Makapagshower na nga lang . At pumunta na ako sa banyo.

                     Pagkatapos, kinuha ko ang bago kong bili na DVD tape, In the Name of Love ang title. Si Angel Locsin at Aga Mulach ang bida sa pelikulang ito. Pinanood namin ni Prince ang pelikula. In fairness, ang ganda ng movie. Isang love story na kung saan handang magsakripisyo ang bawat isa alang-alang sa kanilang minamahal, kahit buhay pa nila ang kanilang isugal. Naiyak ako. Sana, ganun din ang una kong minahal. Anyway, I need to forget and move on. May ipa naman, eh.

                     I love the movie. Pero mas masarap sanang manood kung kasama ko ang mahal ko. Hay… nga pala, andito si Prince. Nakalimutan ko. Para kaming magboyfriend dahil yakap ko siya habang nanonood kanina. Pero, hindi ko naman masasabi na lovers kami kahit magkasama kami sa kwarto ko. Sapat na ang manatili siya sa aking tabi dahil hindi ako nakakadama ng pag-iisa at pagkalungkot. Tingin ko’y makakaya kong harapin ang bawat bukas ng walang alinlangan, basta kasama ko siya bukod sa mga taong malalapit sa aking puso.

                     Madalas ko siyang kinukwentuhan. Minsa’y kasama ko rin siya pag pumupunta ako sa probinsya. Isinasama ko rin siya kapag nagbibike ako. Kapag namamasyal ako sa mall o naglalakad–lakad, siya ang ginagawa kong escort at bodyguard. Pag nakikita siya ng mga bata, pare-pareho lang ang naririnig ko – ang cute naman! Lagi ko naman nasasabi sa isip ko na “Wow! Hearthrob pala ang escort ko”. Madalas ko rin siyang yakapin, hawakan at halikan pero never naman siyang nangyakap o humalik sa kin. But I’m 100% sure, hindi siya bakla.

                     Lumipas ang maraming araw, linggo at buwan. Nagtuloy-tuloy pa rin naman ang ikot ng aking normal at magulong mundo. Trabaho, pamilya, gimik, hobbies at mga kaibigan…no love life. Kahit kasama ko si Prince, I’m still single and available. We can never be together as lovers pero pwede naman kaming magkasama ng matagal. Ni minsan ay wala akong narinig sa kanya na anumang salita. Ni hindi rin siya gumagalaw. How I wish na sana, nagagawa niya ang mga bagay na iyon. Na sana … pareho kami. But not. Imposible. Si Prince ay isa lamang puting teddy bear na nabili ko sa stuff toy store. Naisip ko na hindi ako masasaktan ng isang teddy bear, kaya naisip kong gawin siyang kaibigan. Oo, hindi ako niya ko nasasaktan but the problem is, he can never talk nor love me back. Ganumpaman, masaya ako na dumating siya sa buhay ko. Mananatiling nakatatak sa aking puso at isip na may isang Prince na nagrescue sa akin mula sa aking unang pagkabigo sa pag-ibig. Hindi ko siya ipagpapalit sa ibang stuff toy kahit mas cute at mas cuddly pa sa kanya. Dahil para sa akin, si Prince lang aking one and only knight… in cute armor.

Published in: on October 15, 2011 at 12:40 pm  Comments (15)  
Tags: , , , , ,