Ang Pag-ibig ay parang isang Diksyonaryo

I

Ang pag-ibig, isang salita

ngunit kahulugan ay sang laksa,

bilang man ng pinaglalaanan ay di batid,

sa diksyonaryo’y itong di na naiiba.

Bakit nga ba ito’y tulad ng libro ng mga salita,

hindi naman basta salita lamang,

dahil tulad ng salitang makikita sa bawat pahina,

marami itong mukha,

maging ang pahiwatig na taglay,

nasa paraan na lamang kung panu gagamitin

yaring salita na bukambibig ng marami

at madalas din naisasabuhay natin.

II

Pag-ibig, pagmamahal, irog,

iisa lamang ang batid,

 at tulad sa isang talasalitaan,

ito rin ay nalalapit sa mga katawagan

na mismong ang taong nakaramdam 

ang siyang may bigay sa kanyang sinisinta.

III

Oh anong yaman ng ating mundo,

pagdating sa salitang ito,

pagkat nang tayo at ang daigdig na ito’y binuo,

ang PAG-IBIG ng dakilang Diyos

ang nasa likod ng kanyang mabuting layon.

IV

Salitang ito’y gamitin

 sa paraan ikaw na ang bahala pero pagkaalalahanin,

Na kung may magkakasing  kahulugan man ang salitang ito,

Mayroon ding kabaligtaran na kaakibat ito,

nasa sa’yo ang desisyon,

pagkat may sarili kang kang sentido,

hindi man ito gamitin,

andyan pa rin naman ang iyong puso.

*****************************************************

Advertisements
Published in: on June 29, 2013 at 4:01 am  Leave a Comment  
Tags: ,