Ang Pag-ibig ay parang isang Diksyonaryo

I

Ang pag-ibig, isang salita

ngunit kahulugan ay sang laksa,

bilang man ng pinaglalaanan ay di batid,

sa diksyonaryo’y itong di na naiiba.

Bakit nga ba ito’y tulad ng libro ng mga salita,

hindi naman basta salita lamang,

dahil tulad ng salitang makikita sa bawat pahina,

marami itong mukha,

maging ang pahiwatig na taglay,

nasa paraan na lamang kung panu gagamitin

yaring salita na bukambibig ng marami

at madalas din naisasabuhay natin.

II

Pag-ibig, pagmamahal, irog,

iisa lamang ang batid,

 at tulad sa isang talasalitaan,

ito rin ay nalalapit sa mga katawagan

na mismong ang taong nakaramdam 

ang siyang may bigay sa kanyang sinisinta.

III

Oh anong yaman ng ating mundo,

pagdating sa salitang ito,

pagkat nang tayo at ang daigdig na ito’y binuo,

ang PAG-IBIG ng dakilang Diyos

ang nasa likod ng kanyang mabuting layon.

IV

Salitang ito’y gamitin

 sa paraan ikaw na ang bahala pero pagkaalalahanin,

Na kung may magkakasing  kahulugan man ang salitang ito,

Mayroon ding kabaligtaran na kaakibat ito,

nasa sa’yo ang desisyon,

pagkat may sarili kang kang sentido,

hindi man ito gamitin,

andyan pa rin naman ang iyong puso.

*****************************************************

Advertisements
Published in: on June 29, 2013 at 4:01 am  Leave a Comment  
Tags: ,

SA KUKO NG KADILIMAN


Sa kabilugan ng buwan

Aking sarili’y natagpuan

Mag-isang tinatahak  ang daan,

Patutunguha’y di alam.


Sa aking paglalakad

Ingay ng mga sari-saring hayop ay narinig

Panginiginig ng mga halama’y napansin

Ihip ng hangin ay naramdaman

May panganib na ibinabadya.


Dilag ika’y mag-ingat,

Sa gabi at paligid ay wag mahahalina,

Pagkat panganib ay nandyan lamang,

Sa iyo ay nag-aabang.


Babala man ay narinig,

Ako’y lalong nagbunyi,

Kumakanta habang sa kalangita’y nakatingala

Di man lang namamalayan

Sumusunod na tampalasan.


Nang dulo ng daan ay aking nasapit

Biglang nagtago ang buwan

Lumamlam ang ilaw ng mga alitaptap sa kalangitan,

Ulap na sing-itim ng uling ay humarang

At biglang bumuhos ang ulan.


Sumasayaw ang mga talahib

Sabay sa pag-ihip ng hangin

At sa saliw ng impit kong tinig

Katawan ko’y nilalapa

Ng Tigreng nagtataglay

Ng mga matang kung titiga’y

May pagnanasang nagaalab.


Nanginginig man sa lamig

Nangingibabaw ang init,

Unang bugso man ng unos

Magsisilbing sa akin ay huli,

Pagkat akin nang naaninag

Mga nakatutok na kuko ni kamatayan.


Muli kong pinagmasdan,

Kalangitang akin tinitingnan

Na ngayo’y  nabalutan

Ng dugong nagmula pa

Sa aking pusong dati’y tumitibok

At ngayo’y nawasak na

Ng nilalang na sa laman ay hayok.


 

 

 

Published in: on August 14, 2010 at 6:16 pm  Leave a Comment  
Tags: , , ,

MY LOVE


Mga matang nakakatunaw tumingin,
Tila ba sa ibang lugar kaya akong dalhin
Malayo sa mapanghusgang mundong ginagalawan,
Kami lamang dalawa, masaya at magkasama.

Mga haplos mo’y,
Tila ba ako’y tinutunaw…
Pagkat pinararamdam mo..
Pagpapahalaga at pagmamahal…
Totoo at busilak, walang halong pagkukunwari.

Kailan nga ba ika’y magiging akin,
Nang ikaw ay makasama ng lagi,
Batid na ang halaga mo’y higit pa
Sa tag price na nakasabit..
Ngunit wala pang budget para ikaw ay mabili,
Pero pinapangako ko,
Sa aking pagbalik sa iyong kinalalagyan,
Ikaw ay akin ng bibilhin…
Aking Teddy Bear… 🙂

Published in: on August 14, 2010 at 5:58 pm  Leave a Comment  
Tags: , , ,