Wikang Filipino: Wikang Sariling Atin

 

Sa bayan kong sinilangan

Pilipinas ang pangalan;

Wikang aking kinamulatan

Marami pa lang pinagdaanan,

 

Dito sa atin, mula Jolo hanggang Appari,

Diyalekto natin ay pagkarami-rami

Agam-agam ko’y sadyang kay laki

Katutubong wika’y pano iintindihin,

Kahit aking isipin,

Sadya ba talagang di ko mawari.

 

Kaya laking pasalamat ko,

Wika’y pinanday ng butihing pangulo

Ngayo’y may wika tayong atin,

Maging kalayaa’y sinasalamin din.

 

Pero bakit sa paglipas nitong panahon,

Paggamit yaring wika, nawawaglit ngayon?

Kailangan pa ng Buwan ng Agosto

Para gunitain lamang ang wikang Filipino.

 

Gumamit ng ibang wika’y di kapangahasan,

Wag lang kalilimutan, wikang kinagisnan

Magiging higit ka pa sa malangsang isda

Tulad sa tinuran ng bayaning si Rizal.

At magiging tulisan sa sariling bayan.

 

Ikaw nga ba ay Pilipino?

Pilipinas bang pinagmulan mo?

Sa dugo mo ba’y may pagka-Pinoy?

Pwes ngayon, patunayan mo!

Ipagmalaki mo san mang lupalop

Na Pilipino kang totoo at Filipino ang wika mo!

 

Lumipas man ang panahon,

Anuman ang maging pagbabago,

Ating pagyamanin ang wikang Filipino

Wikang sariling atin, tara na’t itaguyod

Wika ng mga Pilipinong tulad ko at tulad mo

Mula noon magpasa hanggang ngayon.

 

 

***********************************************************

Ito ang opisyal kong entry para sa kategoryang “Tula” ng 

Saranggola Blog Awards 6. 



Pakisuportahan rin po ang iba ko pang entries:
A) Tony Pakelamero (SBA 2014 Entry: Kwentong Pambata)
B) Ang Love Story Ko (SBA 2014 Entry: Maikling Kwento)
Sana suportahan nyo ako at maraming salamat .🙂


 NAIS KO RIN PONG PASALAMATAN ANG MGA SPONSORS:

 

 

The URI to TrackBack this entry is: https://princessnins.wordpress.com/2014/11/15/wikang-filipino-wikang-sariling-atin/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. […] B) Wikang Filipino: Wikang Sariling Atin (SBA 2014 Entry: Tula) […]

  2. […] B) Wikang Filipino: Wikang Sariling Atin (SBA 2014 Entry: Tula) […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: