I Will Always Love Him (Part 2)

Two weeks later.

Hindi ko napansin ang matulin na paglipas ng mga araw. Dalawang linggo na pala ang nakalipas. Parang natural lang ang mga bagay-bagay. Nandoon pa rin ang ingay na nagmumula sa labas ng bahay – mga dumadaan na tricycle at iba pang sasakyan, mga boses ng mga nabili sa kalapit naming tindahan, mga batang nagtatawanan at nag-iiyakan sa labas, at tahol ng mga aso. Hindi rin nawala ang madalas na pagtawag sa akin ni Mama para tumulong sa kanya o pag may itatanong siya, o ang pangungulit ng mga bata sa aming bahay.

Ang nagbago – parang lumaki ang mundo ko. Sa sobrang laki, parang hindi ko man lang nakikita ang mga kaibigan ko. Namimiss ko na sila. Madalas kong tingnan ang cellphone ko pero ang madalas na mabasa kong text ay galing kay  Dave. Minsan naman galing sa mga kakilala ko sa college. Pero walang text mula kay Cedric o kay Angelica. Kabarkada ko silang pareho. In fact were schoolmates before. Bumuo kami ng grupo na kinabibilangan pa ng 2 tao – sina Lian at Freddie.

I can still remember those special moments – lalo na yung picnic namin. Nakakatawa pa ang pagiging clumpsy noon ni Angelica. Pano nangudngod sa putikan ng madapa. Si Angelica – she’s so clumpsy and careless, yet very caring and thoughtful. She used to visit me then talk with me. But because of her impulsive actions, nagkaganito kami. Hindi naman sana mangyayari ito if hindi siya nakelam. Kasalanan niya kung bakit nilalayuan ko na siya. Pero nilalayuan ko nga ba siya? Siya etong hindi nagtetext. Siya rin ang hindi nadalaw. Hindi ko rin naman siya nakikita kaya wala rin akong iniiwasan. Ngayon ko lang naisip – siya na pala ang nagawa ng distance between us. That’s good. Hindi na pala need mag-effort para iwasan siya.

And Cedric – he’s always been there. Madalas niya ko alalayan. Gaya ni Angelica, thoughtful din siya and a real gentleman unlike Dave. Dave is also a gentleman, pag wala siyang sumpong pero minsan, napagbubuhatan niya ko ng kamay kapag galit na siya. Si Cedric naman, mabait, maasikaso at masasabi kong may breeding – may respeto sa ibang tao. Naalala ko tuloy yung nagside car kami. Tatlo kami noon – kasama si Angelica. Mabilis ang andar na sidecar at walang preno. Nahirapan kami sa pagliko kaya sumemplang kami. Natawa ako bigla. Ako lang ang walang galos noon. I missed those times. Pero mukhang hindi na mauulit yun. Cedric is mad of me. I really don’t know what to do. Kaya ko bang mag-apologize sa kanya in person?

Hindi ako nakatulog sa pag-iisip kung anong dapat kong gawin. Kinabukasan, I texted him.

“Ced, cn we talk? Pls, I want to apologze on wt hapend.”

Ilang minuto ang nakalipas, walang reply. Nagtext ulit ako. “Pls nmn Ced, I know mlaki ang ksalanan ko and I want to make it up 2 u.” Pero wala pa rin. Since day-off niya today, naglakas-loob na akong pumunta sa kanila. Kakapalan ko na ang mukha ko.

Bago ako kumatok, huminga muna ako ng malalim. Tapos pinindot ko na ang doorbell. Isang pamilyar na tono ang narinig ko. “Sino yan?” Si Cedric. Hindi ako nakasagot. Nagulat na lang ako ng bumukas ang gate.

“Viv?” nagtatanong rin ang mga mata niya ng tiningnan ko ito.

Napalunok ako. “Cedric, pwede ba tayo mag-usap?”

Napakunot-noo muna siya. Parang ayaw niya talaga ako kausapin. Hay. “Sige, pasensya na, naabala ata kita. Uuwi na lang ako.” Pag kasabi nun ay tumalikod na ko.

“Sandali lang.” Napatigil ako sa paghakbang. “Pumasok ka muna sa loob.”

Nakaupo ako sa salas habang inaantay si Cedric. Napatingin ako sa mga picture frames na naroon – mga larawan ni Cedric at ng pamilya niya. Buti pa sila, masaya. Mukhang magkakasama pa rin sila ngayon, hindi katulad namin, malayo ang ama.

“Magmeryenda ka muna.”

Muntik na ko mapasigaw. “Salamat, pero hindi ako nagugutom.”

“Kung gusto mo ko makausap, bawasan mo yang hinanda ko. Magbibihis lang ako. Then we’ll talk – outside.”

“Naku, kung hindi lang kita kakausapin kanina pa ko umalis.” Inabot ang inihanda iyang clubhouse sandwich. “Ok, kakain na.”

“Good. Iwanan na muna kita.” Then nawala na siya sa paningin ko.

Habang nakain ako, nakita ko ang mga photo album sa ilalim ng mesa. Tiningnan ko isa-isa ang mga cover hanggang sa naptigil ako. May isang photo album na may picture ni Cedric in graduation outfit but I think high school pa yun. Binuksan ko ito. High school pictures ni Cedric mula first year hanggang fourth year. Sa dulo, malapit sa picture na kasama ang nanay niya sa stage, nandun ang picture naming dalawa na magkatabi, picture nila ni Angelica at isa pang picture kung saan kasama ang buong barkada. Nahaplos ko ang picture na magkasama kami.

“I’m ready,”ang sabi ni Cedric.

Dali-dali kong isinara yung album at ibinalik sa pinagkuhanan ko. “Sige, tara na.”

Dinala ko ni Cedric sa board walk. Gabi na kami nakarating doon pero hindi pa rin kami nag-uusap. Dahan-dahan kami naglalakad habang tinitingnan ang malaking ferris wheel. Maya-maya ay naupo si Cedric sa isang upuan. Umupo rin ako. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Malayo ang tingin niya. Para bang wala ako. Then tumayo siya. “Wait ka muna rito, Viv. Saglit lang.”

Sinundan ko siya ng tingin. Bumili siya ng hotdog at drinks. Tapos lumapit na siya sa akin dala ang binili niya. Pagka upo niya, uminom siya ng softdrinks. “So, ano ba pag-uusapan natin? I’m all ears.”

“Ced, I’m so sorry on what happened.” Hindi ko siya matingnan. Huminga ako ng malalim. “I know malaki ang kasalanan ko. I didn’t mean to hurt you.”

“But you already did. Viv, alam mo ba kung gaano ako nag-antay sa’yo? Alam mo bang sumugod ako sa ulan ng marinig ko ang boses ng asawa mo? I’m waiting for many hours only to find out na yung inaantay ko ay hindi na dadating cause she’s busy having sex with his husband?! What are you thinking?”

“Ced, I thought tama ang ginawa ko. I’m not expecting he will be there after ng exam.”

“You’re not expecting yet you texted him kung nasaan ka? You know Viv, we thought wala na kayong communication. We thought, hindi kayo mag-asawa dahil may discrepancies sa papers nyo. And I thought, may pag-asa ako sa’yo dahil inentertain mo ko at niyaya para gumala. But all of those ideas were wrong.”

“Ced, I already said na kaibigan lang ang tingin ko sa’yo.”

“No, Viv. Iba ang pakiramdam ko. And if I misunderstood yung mga pinakita mo, I won’t be sorry. “

Napatingin ako sa kanya. “Everything was my fault. I’m so sorry. Ced, maybe it took me so long to apologize personally but I hope you’ll understand kung bakit. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin at ipapaliwanag ang lahat.”

“You don’t have to. Every single thing is crystal clear to me.”

“What do you mean…”

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naunahan niya na ko. “Umiikot ang mundo mo kay Dave. Kahit ano pa ang mga pagkakamali niya o anuman ang gawin niya, parang wala lang sa’yo. Sinasaktan ka na niya pero parang wala lang. Manhid ka ba, Viv? Kasi kaming mga nagmamahal sa’yo, ramdam na ramdam namin. Lalo na ko. Nasasaktan kami Vivian because we really care.”

Unti-unting bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. “I… I… I know.”

“You know, pero you keep on seeing him? Look Viv, kahit hindi man ako ang piliin mo, at least magiging masaya ako if deserving ang person na makakasama mo. Pero hindi, eh.”

“You don’t have to tell it Ced. I know. Una sa lahat, kasal kami. Kahit maghanap ako ng iba, hindi pwede dahil nakatali ako sa kanya. We can only be separated legally.”

“Yan ang isa pa sa mga  ipinagtataka ko. You never told us about it. Hindi mo ba pinag-isipan to? Look, Viv, kahit gaano mo kamahal ang tao, hindi ka pwede basta-basta magpakasal. Ang pagpapakasal ay hindi parang mainit na kanin na kapag napaso ka ay iluluwa mo.”

Hindi ako makapagsalita. I was not prepared sa sermon niya. I tried to stop the tears that are falling from my eyes but it just keeps on falling. Naramdaman ko na lang ang kamay miya na pinupunasan ang pisngi ko. Pero nakayuko lang ako.

“Viv, it’ ok. Alam ko naming nagawa mo ang lahat ng iyon dahil na rin sa pagmamahal mo sa kanya. I forgive you. But I want you to know, mula noon, kahit nagkagirlfirend na ko, ikaw pa rin ang laman ng puso at isip ko. I’ve always love you.”

“But, Ced…”

“It’s ok. Alam ko naman ang isasagot mo. And I accept it. Sana lang, wag mo pababayaan ang sarili mo. Lalo na ang hayaang saktan ka niya.”

Niyakap ko si Ced. Naramdaman ko rin na nakayakap siya sa kin. “Ced, thanks. Salamat dahil pinatawad mo ko. But I’m still sorry kung di ko man kayang turuan ang pusoko na ikaw na lang ang mahalin.” Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya. “I’m sure, you’ll find someone better than me.”

Hinawakan niya ang kamay ko. “For now, love is not one of my priorities. I can’t afford to to be hurt again.”

“I’m so sorry. Kung alam mo lang kung gaano talaga ako kalungkot, Ced. You’ve always been my knight in shining armor pero hindi man lang kita magawa mahalin.” Magsasalita pa sana ako ng may humila sa akin.

“Aray! Ano bang … Dave?”

“Malandi ka talagang babae ka! Ganyan ba ang ginagawa mo habang nasa malayo ako?”

“Pare, nasasaktan si Viv. Pwede bang huwag ka gumawa ng eksena rito? Maawa ka…”

Hindi natapos ni Cedric ang sasabihin niya dahil tiningnan siya ng matalim ni Dave, “Wag ka makelam dito! Asawa ko ‘to. At hindi mo ko kelangang utusan. Alam ko ang ginagawa ko.” At hinila niya ko palayo sa mesa namin ni Cedric.

Ngunit hindi pa kami nakakalayo, lumapit si Cedric at sinuntok si Dave. Bumulagta si Dave. Tumayo siya at dahan-dahan lumapit kay Cedric. Aawatin sana siya ng mga tao pero pinigilan niya ang mga iyon. “Wag kayong makelam kung ayaw nyong masaktan!”  Tiningnan niya ang sumuntok sa kanya. “Tang-ina mo ha, kala mo hindi kita papatulan!” at tinankang gumati ng suntok kay Cedric pero nakailag ito.

Sinuntok ulit siya ni Cedric tapos tinuhuran. Pinagsusuntok siya ni Cedric habang nakahiga siya sa daan. “Ced, tama na!” awat ko sa kanya pero hindi ito nakinig.

“Viv, tuturuan ko lang tong bastos na to. I can’t just watch.”

“Ced, please…”

Tiningnan ako ni Cedric. Hindi niya na tinuloy pa ang pangbubugbog kay Dave. Hinawakang niya ito sa damit. “Alam mo, maswerte ka dahil nasa iyo si Vivian. Pero hindi mo man lang siya kayang alagaan ng maayos o irespeto man lang. Siguro maitatago ni Angelica kay Vivian ang totoong nangyari, pero hindi sa akin. Wala kang kwentang tao. Pasalamat ka, mabait pa si Angelica kahit pwede ka niyang kasuhan!”

Nalito ako sa mga sinasabi ni Cedric. Anong kasuhan? May alam ba siya na hindi naikwento ni Angelica sa akin? “Ced, anong ibig mo sabihin?”

“Hindi ako ang dapat magsabi niyan sa’yo. Tanungin mo na lang ang lalaking ito.” Tumayo na si Cedric. “Sa oras na malaman kong sinasaktan mo ulit si Viv, magtago ka na sa impyernong pinanggalingan mo!” At naglakad siya papunta sa batuhan.

Inalalayan ko si Dave pero parang malakas pa siya matapos niyang mabugbog. Sumunod siya kay Cedric. “Dave, halika na. Umalis na tayo.”

Pero bingi si Dave. Madulas ang batuhan at malapit sa tubig si Cedric. Nakatingin lang sa amin. Parang inaantay niya lang lumapit ang ika-ikang si Dave. Sinubukan kong tulungan si Dave pero tinatanggal niya ang kamay ko. Hindi ako tumigil sa pagsunod sa kanya. Muntikan na ko madulas sa isang bato. Wala ako sa likod ni Dave. Hanggang sa napasigaw ako nang makita kong bumagsak ang ulo niya sa batuhan. Napamali siya ng tapak sa isang bato. Nag-iiyak ako ng nag-iiyakhabang nasa bisig ko ang kanyang ulo.

“Dave, please gumising ka. Please!” Hindi ko pansin ang mga tao sa paligid ko, kahit si Cedric. Kay Dave lang nakatutok ang lahat ng atensyon ko. “Dave… Dave… Please, di ba marami pa tayong plano? Hindi ba magbabago ka na? Please, Dave! Gagawin ko na lahat ng gusto mo, basta mabuhay ka lang.” Pero hindi na sumasagot si Dave. Niyakap ko siya ng mahigpit. “Dave, I love you… Sana gumising ka na dahil hindi ako mabubuhay ng wala ka. Dave…”

Ganoon nga ang nangyari. Dave died in my arms. Umiyak man ako nang umiyak, hindi na siya mabubuhay pa. Oo, byuda na ko. Malaya ng gawin ang lahat. Pero hindi ito ang gusto ko. Gusto kong makasama si Dave, for better or for worse. Hindi ko alam kung ano pang bukas ang nag-aantay sa akin ngayong wala na siya. Sa kabila ng lahat, I love him. Hindi ko sinisisi si Cedric. Hindi niya kagustuhan ang nangyari. Dave was too hard-headed to listen. And I hate him for that. Sana, kasama ko pa siya. Kasalanan ko ang lahat. And now, wala ako magawa para buhayin siya. Will I ever move on if I love him with all my heart, my mind, and my soul?

Isa pa, hindi pa nabibigyan ng linaw ang sinabi ni Cedric noong araw na iyon tungkol kay Angelica. Ano ba talaga ang totoong pangyayari? kung anuman iyon, malalaman ko rin.

 ____________________________________________________________

Abangan po ang PART 3 ng kwento ni Vivian. Soon. Don’t forget to spread the word or comment. Thanks.

Published in: on July 26, 2012 at 2:51 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://princessnins.wordpress.com/2012/07/26/i-will-always-love-him-part-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: