I Will Always Love Him

“Aminin mo na… Please, para matapos na ‘to.” Umiiyak akohabang sinasabi ko to sa kanya.

“Ano bang sinasabi mo! Alam mo bang dapat nakaalis na ko by this time?” napailing si Dave. “Hindi ko alam sa’yo Vivian kung bakit naniniwala ka diyan sa kaibigan mong bad influence.”

“Nabasa ko ang mga text mo sa kanya. And there’s no reason for her to lie. Kilala ko na siya noon pa.”

Tumawa siya ng malakas. “Kilala mo? If kaibigan mo siya, hindi siya lalapit sa kin. She seduced me. Pero dahil mahal kita, wala akong ginawa. Hindi ko siya ginamit gaya ng sinasabi mo.”

“The hell with this guy. Alam ko na ang totoo. Why don’t you just admit it?” sigaw ng isip ko. Ayokong umiyak pero patuloy lang ang pagdaloy ng luha ko. The truth na may nangyari sa kaibigan ko at sa asawa ko ay hindi kapani-paniwala. Pero wala naman dahilan para magsinungaling sa kin si Angelica. Sinabi sa kin ni Angelica na ginawa niya yun dahil gusto niya malaman kung mapagkakatiwalaan niya si Dave. At she found out that kung nagagawa niyang mangbabae habang nasa Manila ito, why not kung nasa Cebu pa siya?

“Ang mali doon ay pumunta siya. Syempre, lalaki ako di ba? Yun, dun nagstart ang problema.”

Sinubukan ko siyang hulihin sa mga sinasabi niya. “Oh, really? At anong problema?”

Tumaas ang tono niya. “Eto! Nag-aaway tayo dahil sa kanya. Kung di siya pumunta, wala sanang mangyayaring pagkakamali.”

“There, he said it.” Lalong umagos ang luha ko. “Pagkakamali? Ayan inamin mo rin indirectly from your own words.”

“Look, it’s not what I mean. Ang sinasabi kong pagkakamali ay etong pag-aaway natin. I will never do what she’s talking about.” Pero nilagay ko lang ang mga kamay ko sa king mga mukha para matakpan ang lungkot at sakit na aking nadarama.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mga balikat. “Viv, I love you. Hindi dapat tayo nagkakaganito. I love you. I’m sorry.”

“There, he said sorry na parang may ginawa nga siya. Denial king.” Hindi ko siya tiningnan. “I don’t know what to say Dave. Hindi ko alam kung sinoo ang dapat kong paniwalaan.”

Niyakap niya ko. “Viv, no matter what, Ilove you. I truly do. At wala akong gagawin na kahit ano para saktan ka.” Tinanggal niya ang mga kamay ko na nakatakip sa mukha ko. “Always remember, I love you.”

Hinawakan niya ang baba ko and he kissed me. I don’t want to reply with kiss but something is pushing me to hug him… kiss him just like the old times. Then, I spend the night with him.

Pag gising ko, umaga na. I looked at him. Maybe hindi pa ko ready na iwan siya but I don’t think that our relationship will still work. Nagbihis na ko at nag-ayos ng sarili. Aalis na sana ako, pero bigla niyang hinawakan ang braso ko habang binubuksan ko ang pinto.

“At san ka pupunta? Di ba sasama ka sa kin pag punta sa Cebu?”

“Hindi ako sasama sa’yo. Mas mahal ko ang pamilya ko kaysa sa’yo.”

Hinila niya ko pabalik sa may higaan. “Hindi ka aalis dahil sasama ka sa kin!”

“Ano ba, nasasaktan na ko!”

Pero parang wala siyang narinig. “Napag-usapan na natin ito noon pa. Sasama ka na sa akin.”

Hindi na ko nakapagtimpi pa. “And what? Be your battered wife? And be your sex slave? Bullshit!” Tinaggal ko ang kamay niya sa braso ko.

“Hindi naman kita sinasaktan, Viv. I’m sorry.” Lalapitan niya ko but I slowly stepped back.

“Don’t be sorry, coz you already hurt me.”

Bigla siyang lumapit ng mabilis at kinuha ang phone na bago niyang bili sa kin. “Fine. But I have your phone. “

Itinulak ko siya sa bot ng aking makakaya. “Damn you! Sige, sayong-sayo na yan.” Tumakbo ako papunta ng pinto at lumabas. Pinahid ko ang mga luhang tumutulo mula sa king mga mata. “You’re insane, Dave. Ano ba nakita ko sa’yo at bakit kita minahal ng ganito?”

Inalala ko ang mga masasayang pagsasama namin. Maybe he’s 40 years old but I fell in love with him. Napakabait niya sa kin. Nung nagwowork pa ko sa isang fastfood chain before, he used to bring me some flowers as a delivery guy. Kinikilig naman ako. Tapos pag birthday ko, he always makes it special in his own ways. Noong mga panahong magkalive-in pa kami, I enjoyed every second na magkasama kami. Breakfast in bed, hot water pag maliligo ako, at pasalubong tuwing uuwi siya.

Bigla na lang ako nagising mula sa pag-alaala ng mga pangyayaring iyon nang makarating na ko sa pinto na malapit sa receptionist. “Aalis na po ako.” At lumakad pa punta sa elevator.

“Mam, sandali lang po. Anong room po?”

“614. Alam na ng nakacheck-in doon na aalis na ko.” Pinindot ko ang down button.

“Mam, tatawagan lang po namin yung nasa room.”

“Nagmamadali na ako.” Feeling ko iiyak na ko pag nagtagal pa ko dun sa lugar na iyon.

“I’m sorry, mam. Standard procedure lang po.”

“Ok. Bahala kayo.” Tiningnan ko lang ang receptionist. Gusto kong umalis pero hindi ko magawa. Nakaharang kasi ang guard sa may elevator.

“Mam, hindi pa kayo pwedeng umalis. Pinababalik po kayo sa room.”

Dito na ko nagpanic. Natatakot na ko bumalik sa kwartong iyon. Baka hindi niya na ko pauwiin. “Please, wag nyo ko hayaan na bumalik doon mag-isa.” Ipinakita ko yung nakabakat na kamay sa braso ko. “I don’t want to go back there.”

Kinalma ako ng guard. “Mam, kami naman po ang mapapahamak pag nagkataon. Pwede kaming ireklamo. Kung gusto nyo, sasamahan naming kayo. Kung anuman ang mangyari, tutulungan na lang namin kayo.”

“Alright. Since andyan naman kayo, payag na ko.” Pumayag ako kahit kinakabahan pa rin ako.

Tok! Tok! Tok! Naghanda na ko sa pagbukas ng pinto.

“Viv, buti bumalik… Teka, bakit nagsama ka ng staff at security guards?”

“Para hindi mo ko saktan ulit at pilitin sa gusto mo.” Kumunot lang ang noo niya pero nagulat ako sa sinabi niya.

“Viv naman, inabala mo pa tong mga taong ito. Halika sa loob. Pinabalik kita kasi dumating na yung breakfast. Halika na sa loob. Sorry sa abalang ginawa ng asawa ko. Makakaalis na kayo.”

“The nerve. Ang talino talaga! Nagawa niya pang baliktarin ang lahat. Certified liar. But I won’t let him win this time.” Pinigilan ko sina Manong gurad sa pag-alis. “No, wag kayong umalis. Papasok ako sa loob pero hindi kayo aalis. Or else, sasama na ko sa inyo palabas.”

“Sir. Hindi kami aalis dito.”

“Ok, ok. Alam ko na ginagawa nyo lang ang trabaho nyo. Halika ka na Viv.” Napilitan akong pumasok sa loob. Nang makapasok kami sa kwarto,hinila niya ko papasok ng cr.

“What are you thinking? Ano ba tong gulo na ginawa mo?”

“Kaw ang naunang gumawa ng gulo Dave, hindi ako. At hindi mo ko mapapayag sa gusto mo. Uuwi ako pag gusto ko!”

Bumuntung-hininga si Dave. “Sige, makakaalis ka na. Pero tandaan mo ‘to Viv, it won’t be the last time.”

Dali-dali akong umalis. Sumunod lang siya sa akin. “Salamat sa pag-aassist sa asawa ko. At pasensya na sa abala. Ingat ka, hon.”

After that day, I tried not to communicate with him. Kinausap ko din si Angelica. Masakit ang ginawa niya pero I still want to accept her. After all, she’s my friend. Pinahiram niya ko ng phone pra magamit ko. And I texted him na I can move on. Lumipas ang maraming araw at lingo, panay ang text sa kin ni Dave. Panay ang sorry niya. Dahilan niya, mainit daw ang ulo niya, pinaasa ko raw siya na sasama ako, na kasalanan ko ang lahat. Hindiko alam kung bakit hindi ko siya makalimutan. Kung bakit till now, mahal ko pa rin siya. I really missed him. Pero sa tuwing naaalala ko ang mga nabasa kong text niya kay Angelica,  naiinis lang ako. Pinagmukha nila akong tanga.

Isang araw, he texted me na nasa Manila siya.Pag hindi raw ako pumunta, siya ang pupunta sa amin. Nainis lalo ako.  Baka may totoohin nga niya na pupunta siya sa min. Sabagay, pwede ko pa makuha yung cellphone pag nakipag-ayos ako. And sa totoo lang, miss na miss ko siya. And dahil tanga ako, nakipagkita pa rin ako sa kanya. At naging madalas ang pagkikita namin habang nasa Manila pa siya.

Pero hindi pa nagtatapos dun ang lahat. Hindi alam ng mga kaibigan ko na talagang legal kami mag-asawa. Hindi rin alam ni Angelica na nakikipagkita pa ko sa kanya kahit sinabi kong ayaw ko na. I made her promise na hindi niya na itetext si Dave. Patuloy lang nakakagawa ng kung anu-anong kwento si Dave tungkol sa amin. Sayang ang talino nya. Pero ginagamit niya sa pagawa ng kung anu-anong kasinungalingan. But I still love him. And I will always do.

I tried to move on. Minsan, nagikikita kami ng isa sa kaibigan ko, si Cedric. He was nice. I know he loved me since high school. But I never gave him a chance before. Ngayon lang. However, he doesn’t know na mag-asawa talaga kami ni Dave. He helps with a lot of things gaya ng pag-aaplay ko ng work. Kilala rin siya ng pamilya ko. Parang mas gusto nga nila si Cedric para sa kin dahil kilala na nila sa Dave na bastos at walang respeto.

Wala naman akong nakikitang problema kay Cedric. I want to love him more than a friend, pero I can’t. I tried to be happy with him kaso si Dave lagi ang laman ng isip ko. Cedric knows Dave dahil nalaman niya ito kay Angelica. Pero hindi alam ng mga kaibigan ko na nagkikita pa talaga kami ni Dave. My family doesn’t even know it too. At madalas, nagagamit ko ang mga pangalan ng kaibigan ko para ipangfront kapag makikipagkita ako kay Dave.

One day, pumunta ako sa Manila para mag-exam sa trabahong inaplayan ko. Of course, may karapatan pa rin si Dave na malaman ang galaw ko dahil asawa ko siya. So I told him kung nasan ako, not knowing kung nasan siya. Then I texted Cedric na sunduin ako after ng exam by 4PM. Nang matapos ako sa exam, nareceive ko ang text ni Dave. Nasa labas siya at nag-aantay sa kin. Oh, great! Pano to? Nasa Manila pala si Dave. Dali-dali kong tinext si Cedric na wag na pumunta at gumawa ako ng dahilan para din a sya pumunta. Nang lumabas ako, isinilent ko na ang phone ko. Baka mabasa pa ni Dave ang mga message ko pag nakita niyang ginagamit ko ang phone ko.

Then, we went to usual place – sa Hotel. Then we talked then do usual thing na ginagawa namin.  But I really don’t know kung ano na ang nagyari kay Cedric. Nang pumasok si Dave sa banyo para magshower, dali-dali ko inempty ang inbox ko nag hindi ko nababasa ang mga message. Medyo may pagka-pakialamero kasi tong si Dave. Baka basahin niya ang mga message ko. Then nakatulog ako.

Kinabukasan, I just found out that na naghintay pa rin si Cedric sa kin for 5 hours. Na pinakelaman ni Dave ang cellphone ko while I’m asleep at sinagot niya ang tawag from him.

Shit! Ano na ba ang gagawin ko? Humingi ako ng sorry kay Cedric through text pero sa bawat tanong niya, I just kept on lying. Dahil alam ko na lalo siyang masasaktan pag nalaman niya ang totoo. But I was wrong.

Alam pala ni Cedric ang lahat. Everything and I don’t know why. Nagpalamig muna ako. Then, I received a call from him. Hindi ko na sinagot ang mga tawag niya at text dahil hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. But he called, to my nephew’s number. Napilitan akong sagutin ito at nalaman ko na tinetext pala ni Dave ng mga rude words ang mga kaibigan ko.  Wala ako naisagot kay Cedric pero dahil sa inis ko, iba ang nasabi ko. “Bakit kailangan mo pang iconfirm? Alam mo na di ba?” pagkasabi nito’y inend call ko na. Saka lang ako natauhan. I didn’t meant what I said. Ganumpaman, hindi ko na yon mababawi.

Tinext ko ang lahat ng kaibigan ko at nagsorry ako sa kanila. Sana mapatawad nila ako yet I’m not expecting it. Lalo na kay cedric na bukod-tanging hindi ko tinext. Nalulungkot ako dahil nasisira ang friendship namin dahil kay Dave. So I argued with Dave through text. Then, siya pa ang nagalit.

Akala ko, kaya kong itago ang lahat. Lalo na ang sakit na nararamdaman ko. Why do I love somebody like him? And nadamay pa ang mga kaibigan ko. I thought maayos pa ang problema sa mga kaibigan ko but I was wrong, not with Cedric or any other friends – but with Angelica. Nagkakatext pa pala sila ni Dave. Di ko na napigilan ang sarili ko. Umasa ako na hindi na hindi na siya makekelam at mapapatawad ko siya pero nagkamali ako. Kung anu-ano ang naitext ko sa kanya. Pati kay Dave. Hindi ko pala talaga kayang kalimutan ang lahat. Dahil naaalala ko kung pano nila akong ginawang tanga. So I decided na layuan na sila. Although I’m not sure kung kaya ko.

I love Dave. And I will always do. Nagawa kong talikuran ang pamilya ko dati dahil sa kanya. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya, minahal ko pa rin siya. Pero bakit kailangangpaulit-ulit akong saktan ng mga taong malalapit sa akin. Ano ba ang nagawa ko para ganituhin nila ako? Masama bang magmahal ng lubusan at magpakatanga? Na ibigay ko ang lahat-lahat para sa lalaking mahal ko? Lahat – maging ang kaluluwa ko. Maaring tanga nga ako, bulag at martir pero isa lang ang dahilan ng lahat ng ito – dahil minahal ko siya ng higit pa sa sarili ko.

Sana nagustuhan nyo ang ginawa ko. Ano po ang masasabi nyo about this story? Comment na po.

If you want to know who is the guy that I’m referring, pakiemail na lang ako: nafloresca@yahoo.com. Thanks.  :)

 ____________________________________________________________

By the way, I decided to make a continuation of this story dahil na rin sa advice ng kakilala ko. Sana basahin nyo rin po. 

 

Published in: on July 23, 2012 at 6:52 am  Comments (2)  
Tags: , , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://princessnins.wordpress.com/2012/07/23/i-will-always-love-him/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. ano ba mas mahalaga ang matagal na pinagsamahan? o ang mga masayang ala-ala sa maikling panahon? …

    hindi ko alam kung bakit may mga taong sobrang magmahal kahit nasasaktan na sila, at may mga taong nagbabalatkayo sa umpisa upang mahalin ng isang tao..

    • Yan ang tinatawag na martir,,, pwede rin ang tanga.. or bulag..in capitals..as in “BULAG”..

      Hindi naman nagmumula sa puso ang emotion…it’s always in the mind…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: