SA KUKO NG KADILIMAN


Sa kabilugan ng buwan

Aking sarili’y natagpuan

Mag-isang tinatahak  ang daan,

Patutunguha’y di alam.


Sa aking paglalakad

Ingay ng mga sari-saring hayop ay narinig

Panginiginig ng mga halama’y napansin

Ihip ng hangin ay naramdaman

May panganib na ibinabadya.


Dilag ika’y mag-ingat,

Sa gabi at paligid ay wag mahahalina,

Pagkat panganib ay nandyan lamang,

Sa iyo ay nag-aabang.


Babala man ay narinig,

Ako’y lalong nagbunyi,

Kumakanta habang sa kalangita’y nakatingala

Di man lang namamalayan

Sumusunod na tampalasan.


Nang dulo ng daan ay aking nasapit

Biglang nagtago ang buwan

Lumamlam ang ilaw ng mga alitaptap sa kalangitan,

Ulap na sing-itim ng uling ay humarang

At biglang bumuhos ang ulan.


Sumasayaw ang mga talahib

Sabay sa pag-ihip ng hangin

At sa saliw ng impit kong tinig

Katawan ko’y nilalapa

Ng Tigreng nagtataglay

Ng mga matang kung titiga’y

May pagnanasang nagaalab.


Nanginginig man sa lamig

Nangingibabaw ang init,

Unang bugso man ng unos

Magsisilbing sa akin ay huli,

Pagkat akin nang naaninag

Mga nakatutok na kuko ni kamatayan.


Muli kong pinagmasdan,

Kalangitang akin tinitingnan

Na ngayo’y  nabalutan

Ng dugong nagmula pa

Sa aking pusong dati’y tumitibok

At ngayo’y nawasak na

Ng nilalang na sa laman ay hayok.


 

 

 

Published in: on August 14, 2010 at 6:16 pm  Leave a Comment  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://princessnins.wordpress.com/2010/08/14/sa-kuko-ng-kadiliman/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: